Applications Now Being Accepted: Certificate in Creative Writing in Filipino (University of the Philippines)

16 February 2011
Applications Now Being Accepted: Certificate in Creative Writing in Filipino (University of the Philippines)
Deadline: 28 February 2011

Muling binubuksan ang aplikasyon para sa Sertipiko sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Para sa mga interesadong lumahok sa programa, inaasahang maibibigay ang mga sumusunod na kahingian: (1) Photocopy ng high school report card, may GWA na 80 (1st – 3rd year high school at 1st – 3 rd quarter ng 4th year; dapat ay 85 ang average sa Filipino at Ingles), (2) koleksyon ng mga orihinal na malikhaing akda (dalawa hanggang tatlo ng alinman sa mga sumusunod: tula, maikling kuwento o nobeleta , dula, kuwentong pambata, teleplay o script sa pelikula, sanaysay), (3) Rekomendasyon mula sa isang dating guro na naglalaman ng mga napanaluhang kompetisyon, trabaho sa dyaryo at/ o school paper, mga na-publish at mga katulad na impormasyong may kinalaman sa pagsusulat, pagtatanghal at kawangis na gawain.

Pebrero 1-28 ang application period, Marso 7, 4:00 – 5:00 n.h. ang oryentasyon ng mga aplikante, Marso 12, 1:00 – 4:00 n.h. ang written exam, at Marso 19, 9:00 n.u. – 5:00 n.h. ang panayam. Inaasahang maipabatid ang listahan ng mga napiling aplikante sa Abril 8, 2011.

Para sa karagdagang impormasyon, hanapin si Prop. Vlad Gonzales sa 9244899, o magpadala ng E-mail sa vlad.gonzales@gmail.com. May karagdagan ding impormasyon sa Website ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, http://kal.upd.edu.ph/dfpl_index.php?p=38.

May downloadable application form sa http://dl.dropbox.com/u/10132188/smpf-2011-appform.pdf .

More information here.
Related Opportunities:
Ranked: 500 highest-paying publications for freelance writers
The Freelance 500 Report (2015 Edition, 138 pages) profiles the highest-paying markets, ranked to help you decide which publication to query first. The info and links in this report are current. Details here.