Now Open for Applications: LIRA Poetry Clinic 2012 (Philippines)

29 February 2012
Now Open for Applications: LIRA Poetry Clinic 2012 (Philippines)
Deadline: 31 May 2012

Binubuksang muli ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ang kilala at pinakamatagal nang aktibong kapisanan ng mga makata sa wikang Filipino ang Taunang Klinikang Pampanulaan para sa mga nais lumahok. Ang lingguhang klase tuwing Sabado at Linggo mula 9:00 n.u. hanggang 5:00 n.h ay tatagal mula Hunyo hanggang Agosto, subalit magkakaroon pa rin ng iilang klase hanggang Nobyembre.

Kabilang sa mga pag-aaralan sa kabuuan ng palihan ay tradisyonal na pagtula, mga anyong pampanulaan, kasaysayang pampanulaan, at iba pang mahahalagang isyung pampoetika. Ang palihan ngayon ay nasa pamamahala ng batikang makata at gurong si Dr. Michael M. Coroza, at patuloy na paggabay ng tagapagtatag at tagapayo ng LIRA, Pambasang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario.

Kabilang sa mga regular na guro ng palihan sina Fidel Rillo, Dr. Vim Nadera, Dr. Rebecca T. Anonuevo, Roberto T. Anonuevo, Romulo Baquiran Jr., Jerry Gracio, D.M. Reyes, Marne Kilates, Ergoe Tinio, Nanoy Rafael, at Dr. Edgar Samar.

Upang makapagpatala, magpadala ng isang Word Document file na naglalaman ng mga sumusunod: isang pahinang bio-data, ID picture, numero ng telepono, at limang tula sa Filipino sa palihanglira@gmail.com. (Hindi tatanggapin ang mga tulang nakasulat sa Ingles at ibang wika.) Maaari rin mag-iwan ng isang sobreng naglalaman ng mga pangangailangan sa pigeon hole ng LIRA sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman, 1101 Quezon City.

Ang huling araw ng pagpapatalâ ay ang ika-31 ng Mayo, 2012.

CONTACT INFORMATION:

For inquiries/ submissions: palihanglira@gmail.com

Website: http://liraonline.org/
  • Job Opening: Professor - Print/ Online Journalism for Qatar University
    Deadline: 31 July 2011Qatar is a major Gulf-area gas and oil producing country. It is an exciting place to be these days, as the country is witnessing unprecedented…
  • Call for Papers: Advanced and International Japanese Studies Journal
    Deadline: 31 August 2012The Advanced and International Japanese Studies is a peer-reviewed academic journal that aims to promote an open debate through publishing…
  • Tom Howard/John H. Reid Poetry Contest
    Deadline: 30 September 2010Geographical coverage: poets of all nationsReading Fee: $7Accepts (genre): poetry in any style or themePrize/Payment: $3,000 first prize…
Related Opportunities:
Ranked: 500 highest-paying publications for freelance writers
The Freelance 500 Report (2015 Edition, 138 pages) profiles the highest-paying markets, ranked to help you decide which publication to query first. The info and links in this report are current. Details here.