Call for Submissions - Pinoy sa Cyberspace: Mga Kuwento at Diskurso sa Mundo ng Internet

08 November 2010
Call for Submissions - Pinoy sa Cyberspace: Mga Kuwento at Diskurso sa Mundo ng Internet
Deadline: 15 December 2010

KUNG ISA KAYO sa 29,700,000 (World Internet Stats 2010) na Filipinong gumagamit ng Internet, malugod namin kayong inaanyayahang magpadala ng inyong natatanging kuwentong-buhay, tula, maikling kuwento, malikhaing sanaysay, akademikong papel, kritikal na sanaysay, video, short-film, larawan o guhit tungkol sa inyong karanasan sa paggamit ng Internet, sa paglalakbay ninyo sa cyberspace, sa pakikipag-ugnayan sa mga virtual na komunidad at social media, at sa paglikha ng Pinoy cyber-kultura.

1. Maaari kayong magpadala ng orihinal na akda o nailimbag na mula sa ibang publikasyon. Kung nailimbag na, ilakip ang liham ng pagpayag ng pablisher kasama ng inyong akda at tala kung anong publikasyon, saan at kailan nailimbag.

2. Sa kuwento at sanaysay, hindi dapat lalagpas sa 10,000 mga salita at hindi bababa sa 100 salita (para sa flash fiction at ibang katulad).

3. Gumamit ng Times New Roman na may sukat na 12, nakalimbag sa short bond paper, laktawan (double-spaced) na may 1 pulgadang sukat sa lahat ng gilid ng papel. I-save ito bilang word file o RTF.

4. Sa akademikong papel o kritikal na sanaysay, gamitin ang istilong MLA sa pagsipi at pagsulat ng bibliograpiya.

5. Maaring nasusulat sa Filipino, Ingles at mga wika sa Pilipinas ang akda. Maglakip ng buod (di lalagpas sa 500 salita) na nakasalin sa Filipino o Ingles kung nasusulat sa isa sa mga wika sa Pilipinas ang orihinal na akda.

6. Maari din kayong magpadala ng inyong orihinal na video, short-film (MPEG 4, avi format), larawan o guhit (JPEG o GIF format) ng anumang genre, tema o paksa basta’t may kinalaman sa internet o paggamit nito. Ang mga ito’y isasama sa e-book version ng antolohiya.

Ipadala ang inyong akda bilang attachment sa numina.info@gmail.com at isulat sa email mismo ang inyong maikling bionote.

DEADLINE: DECEMBER 15, 2010

Dalawa ang format ng antolohiya: limbag at e-book version.

Para sa katanungan at iba pang impormasyon maaaring mag-email sa rhodnuncio@gmail.com

More information here.
Related Opportunities:
Ranked: 500 highest-paying publications for freelance writers
The Freelance 500 Report (2015 Edition, 138 pages) profiles the highest-paying markets, ranked to help you decide which publication to query first. The info and links in this report are current. Details here.