Deadline: 15 November 2012
Ang Malay, isang multi/interdisiplinaryong jornal sa Araling Filipino ng Pamantasang De La Salle, Maynila na internationally refereed at abstracted, ay naglalayong maglathala ng mga lathalain tungkol sa mga usapin at dalumat kaugnay ng wika, kultura, at mass midya na nagsusulong ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Tumatanggap din ng mga sulatin sa Ingles at iba pang mga wika na isasalin sa wikang Filipino. Tanging ang salin sa Filipino ang ilalathala.
DETALYE NG PAGLILIMBAG
Nililimbag ang Malay makalawa isang taon sa ilalim ng pamamahala ng De La Salle University Publishing House (DLSU PH) ng Pamantasang De La Salle, Maynila. Bilang multi/interdisiplinaryong jornal, nagtatampok ito ng mga papel, riserts, at artikulong naglalahad ng mga kaisipan at kaalaman mula sa Araling Filipino na may tuon sa wika, kultura, at mass midya. Ang mga ideya, opinyon, at paninindigan ng mga may-akda ay kanilang pananagutan at hindi sumasalamin sa mga pagkukuro at patakaran ng mga patnugot, ng kaguruan, o ng pangasiwaan ng Pamantasang ito.
PROSESO NG PAGREREBYU
Ang mga lathalain ay nirerebyu ng mga miyembro ng Internasyonal na Lupon ng mga Patnugot at ng iba pang mga kilalang iskolar sa kani-kanilang disiplina. Ang bawat artikulo ay nirerebyu ng dalawang iskolar. Sa pagkakataong may magkasalungat na pagpapasya ang naturang dalawang rebyuwer, ito ay ibinibigay sa isa pang rebyuwer. Ang buong prosesong ito ay isinasagawa nang hindi nalalaman ng may-akda kung sino ang rebyuwer ng kaniyang artikulo, at gayundin, hindi ipinakikilala sa rebyuwer kung sino ang may-akda ng kaniyang nirerebyung artikulo.
Mula rito, muling nirerebyu ng Punong Patnugot ang mga nakapasang lathalain mula sa mga naunang nagrebyu nito. Ang mga lathalaing nangangailangan ng medyor na rebisyon ay ibinabalik sa mga may-akda para sa mga kahingian ng mga rebyuwer. Ang mga may-akda ng mga papel na hindi matatanggap ay padadalhan ng liham na maglalaman ng mga puna at komento ng mga nagrebyu. May karapatan ang mga Patnugot na maging pag-aari ang kopya ng lahat ng papel na ipinasa.
DETALYE NG PAGSUSUMITE
Ang mga papel (riserts, artikulo, rebyu) ay kailangang nakasulat sa Filipino. Sakaling nasa ibang wika, isasalin ito sa Filipino at tanging ang salin ang ilalathala. Kailangang hindi pa nailalathala o naisumite para sa konsiderasyon sa ibang publikasyon o jornal ang mga papel na ipapasa para dito. Isang 200-250 salitang abstrak at limang susing salita, kapuwa nasa wikang Filipino at Ingles, ang hinihiling na kalakip sa papel na may 5,000 hanggang 7,000 salita (20-40 pahina). Ang titulo ng lathalain ay dapat na mayroon ding salin sa wikang Ingles.
Ang papel ay kailangang kompyuterisado sa maikling bond paper na may isang pulgadang palugit sa lahat ng gilid, doble-espasyo, gamit ang font na Times New Roman at may laking 12-puntos, at maayos na naidokumento gamit ang MLA Seventh Edition.
Kailangang minimal ang mga dulong tala. Kung sakaling may larawan o ilustrasyong bahagi ng submisyon, ang file ay kailangang nasa format na jpeg. Hinihiling ang malinaw na kopya. Kailangan ding may kapsiyon at karampatang pagkilala sa pinaghiraman o may-ari/maylikha ng larawan/ilustrasyon.
Ang pangalan ng awtor, tirahan, e-mail, at iba pang mahahalagang kontak ay kailangang nakasulat sa hiwalay na papel. Anumang pagkakakilanlan sa identidad ng awtor ay kailangang wala sa manuskrito. Sumulat din ng isa hanggang dalawang talatang bio-note para sa pagkakakilanlan ng may-akda.
Tatlong kopya ng papel ang kailangang isumite (kasama ang soft copy sa cd). Ang isang kopya ay sa patnugutan habang ang dalawa ay ibibigay naman sa mga rebyuwer.
Ipadala ang manuskrito at lahat ng kailangan kay Dr. Florentino Timbreza, Punong Patnugot; o kay Mr. Rowell Madula, Tagapamahalang Patnugot, sa De La Salle University Publishing House, Yuchengco Hall Room 601, Pamantasang De La Salle – Manila, 2401 Taft Avenue, Manila. Tinatanggap din ang mga submisyon sa pamamagitan ng e-mail.
CONTACT INFORMATION:
For queries: call Ms. Joanne Castañares at (632) 524-4611 loc 271
For submissions: malayjournal@gmail.com
Website: http://www.dlsu.edu.ph