Deadline June 30 | Call for Short Story Contributions - Afiksyonadong Valium at Ecstacy: Mga Kuwentong Pighati at Lualhati (Philippines)

23 June 2012
Deadline June 30 | Call for Short Story Contributions - Afiksyonadong Valium at Ecstacy: Mga Kuwentong Pighati at Lualhati (Philippines)
Deadline: 30 June 2012

Magkabiyak na pisngi ang pighati at lualhati. Kung gaano ka katinding ma-high, ganoon din katindi ang bumagsak. Kung ano ang kapasidad para sa lungkot, ganoon din ang kapasidad para sa saya.

Therapy ang pagsulat ng kuwento para sa mga taong ligalig at aligaga, umaalagwa at bumubulusak. Nagsisilbi rin naman itong paraan upang makamit ang lualhating dala ng mga katagang sinisiwalat ng labis-labis na kasiyahan. Para sa mga nagsusulat, hindi agad-agad itinatapon ang hindi magagandang karanasan, lalo na yaong mga sukdulang pangyayari: traumatiko o pamamayagpag na sandali man.

Samantala, ang lualhating hatid naman ng mga karanasang tila umiigpaw sa pangkaraniwang damdamin ay maaari rin naman maging lunan ng samu’t saring ekspresyong kakailanganin upang mahagip at mahagilap ang karanasang naghahatid ng perpektong pakiramdam kahit panandalian lamang. Ngayon, isang hamon sa kuwentista ng kasalukuyan kung sa paanong paraan magsisilbing lunsaran ang dikotomiyang ito sa pagsulat ng isang maikling kuwento kikilatis sa pag-iral ng oposisyonal na damdamin. Saglit lang ang kasiyahan, gayong pwedeng parang habambuhay ang kalungkutan.

Nakaangkla ang antolohiya sa manipestayon na ang bagay at pakiramdam ay kayang hulihin ng imahinasyon at kataga ng isang manunulat. Sa pamamagitan nito napangingimbabawan ang mga personal na karanasan at mas nasusuri sa lente ng malikhaing isipan ang mga usaping hindi maunawaan sapagkat nagiging sagabal ang tensyon ng sarili o labis na kaluguran. Marapat pa, binibigyang-pribilehiyo sa pagkakataong ito ang danas na dumaan sa samu’t saring interogasyon ng sarili at mga puwersang panlipunan.

Sa huli, ang kuwento ang magsisilbing lunan ng mga karanasang ayaw bitawan o kaya’y nais talikuran. Nagsisilbing malikhaing dokumentasyon ang akda na nagkakaroon ng sariling pag-iral sapagkat maaari na ngayong ariin ng mga mambabasa.

Sa mga nais magsumite ng kuwento,marapat itong tumugon muli sa mga sumusunod na alituntunin, bukod sa nakasulat sa Filipino:

Una, marapat na kontemporaryo ang tinatalakay na paksa hinggil sa sukdulang pakiwari sa kontemporaryong panahon at espasyo ng pighati o/at lualhati.

At ikalawa, marapat na politikal. Ibig sabihin, sa papaanong paraan nagaganap ang politisasyon ng danas, lugmok man ito sa pighati o labis-labis ang kaluguran.

Ngayon, nakasalalay sa manunulat ang hamon kung sa paanong paraan niya bibigyang-hustisya ang ganitong paunang-gabay hanggang sa magsarili at pumalaot ang pagiging malikhain ng manunulat tungo sa iba’t ibang antas ng kamulatan.

Ang kontribusyong kuwento ay maaaring isang pahina lamang (double-spaced) o higit pa, pero hindi dapat lumampas sa 4,100 salita (katumbas ng 15 pages).

Ipadala ang inyong kontribusyon sa sadhappykaba@yahoo.com.ph kalakip ang tatlong pangungusap na tala sa sarili. Ang final na desisyon ng pagtanggap para sa publikasyon ay nasa pablisyer.

Deadline ng submisyon ay sa 30 Hunyo 2012.

Project Proponents: Rolando B. Tolentino at Rommel B. Rodriguez (mga editor)

CONTACT INFORMATION:

For inquiries/ submissions: sadhappykaba@yahoo.com.ph
  • Deadline July 29 | T'nalak Festival 2012 Blog Writing Contest (P5,000 top prize | Philippines)
    Deadline: 29 July 2012SouthCotabatoNews.Com, SouthCotabato.Org, the provincial government of South Cotabato, Sun Cellular and DOLE Philippines have come together…
  • EPC Muslim Youth Annual Essay Contest (Mafiq Foundation - USA)
    Deadline: 8 January 2011A Forum for Achievement!EPC-2010 (ANNUAL ESSAY/PANEL CONTEST)23 Jan 11 (Essay Due date: 8-Jan-11)EPC-2010 is a continuation of our efforts…
  • Call for Papers: Asian American Literature Panel (PAMLA, Seattle)
    Deadline: 22 April 2012PAMLA 2012 - Seattle UniversityOctober 19-21 - 110th Annual Conference of the Pacific Ancient and Modern Language AssociationAsian American…
Related Opportunities:
Ranked: 500 highest-paying publications for freelance writers
The Freelance 500 Report (2015 Edition, 138 pages) profiles the highest-paying markets, ranked to help you decide which publication to query first. The info and links in this report are current. Details here.