Call for Submissions - TRANSFIKSYON: Mga Kwentong In-Transit

04 August 2011
Call for Submissions - TRANSFIKSYON: Mga Kwentong In-Transit
Deadline: 31 August 2011

Project Proponents: Rolando B. Tolentino and Rommel B. Rodriguez, editors

Muli naming inaanyayahan ang mga kontemporaryong kuwentista, Facebookers, bloggers at iba pa na mag-ambag ng kanilang mga akda para sa isang bagong antolohiya ng mga maiikling kwento sa Filipino.

Pinamagatang Transfiksyon: Mga kwentong in-transit, nakatutok ang proyektong ito sa diskursibong larangan ng maikling kuwento sa pagdalumat sa mga pangyayari sa realidad at kamalayan habang nasa yugto ng biyahe, paglalakbay, paglagalag, maging sa panaginip o mga pangyayaring nakapaloob sa di-kamalayan. Hindi mahalaga ang pinagmulan o paroroonan, ang kailangan, mapiga ang mga nangyayari sa pagitan o puwang ng mga lunan at espasyo, oras at panahon, pagkatao at modernidad.

Narito ang mga kahilingan para sa mga magbibigay ng akda:

1. Nakasulat sa Filipino
2. Politikal ang paksa, tema o kinokomentuhan
3. Magaganap ang buong kwento habang lulan ng isang midyum o behikulo ng paglalakbay o paglagalag, sa pisikal man na pangyayari o sa lebel ng kamalayan. Halimbawa, bus, dyip, taxi, pedicab, padyak, bisikleta, pagtakbo, habal-habal, MRT, LRT, tren, eroplano, space ship, at iba pa, o kaya’y panaginip, sapi, virtual na mundo, near-death experience, literal o figuratibo, at iba pa.
4. Sampung (10) pahina ang minimum at labinglima (15) ang maximum na pahina, double-space, 12 font size, Times Roman na font.
5. Tumatalakay sa mga kontemporaryong usaping panlipunan.

Tulad ng mga naging proseso sa mga naunang proyekto, inaasahang magiging bukas sa rebisyon ang mga akda upang tumugon sa kahilingan ng katumpakan sa tema at iba pang malikhaing kahilingan. Matapos makagdesisyon ang mga editor, ang final na desisyon ay nakasalalay sa magiging pablisyer nito.

Ipadala ang manuskrito sa transfictionbook@yahoo.com . Deadline ng kontribusyon ay sa Agosto 31, 2011. Isumite ang akda kalakip ang tatlong pangungusap na tala tungkol sa sarili.

Contact Information:

For inquiries: transfictionbook@yahoo.com

For submissions: transfictionbook@yahoo.com
Related Opportunities:
Ranked: 500 highest-paying publications for freelance writers
The Freelance 500 Report (2015 Edition, 138 pages) profiles the highest-paying markets, ranked to help you decide which publication to query first. The info and links in this report are current. Details here.