Date: 18-20 October 2010
Malugod po kayong inaanyayahan, sampu ng inyong kaguruan, mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa wika at panitikang Filipino at mga kasamahan sa larang, na dumalo sa Pambansang Seminar-Worksyap sa Pagpapaigting ng Kadalubhasaan sa Wika at Panitikang Filipino na itinataguyod ng Departamento ng Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas na gaganapin sa Oktubre 18 – 20, 2010, Lunes - Miyerkoles sa Benavides Auditorium, High School Department, UST, EspaƱa, Maynila. Ang gawaing ito ay bahagi ng pagdiriwang ng UST ng ika-400 taon ng pagkakatatag nito. Ito rin ay malugod na ineendorso ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng DepEd Order No. 340 s. 2010 at ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon.
Ang tema ng pambansang seminar-worsyap ay “HASAAN: Pagpapalalim ng Kahusayan sa Pagtuturo, Pagsasalin at Pagsulat Tungo sa Pagpapataas ng Pansariling Kadalubhasaan at Pagpapayabong ng Disiplinang Filipino.” Pangunahin din nitong nilalayong: (1) malinang ang kahusayan ng mga delegado bilang guro ng wika at panitikang Filipino, tagaplano ng kurikulum, tagasalin, iskolarling manunulat at malikhaing manunulat sa pamamagitan ng intensibong talakay at worksyap o pakitang-turo; at (2) mapataas ang antas ng pagkatuto ng Filipino sa mga paaralan at makapagbunga ng mga bagong saliksik, salin at literatura na magpapayabong sa larangan ng Filipino sa mga lokalidad at sa bansa, sa pangkalahatan.
Upang maisakatuparan ang mga layunin ng gawain, ilang eksperto sa wika at panitikang Filipino ang inanyayahan upang magbahagi ng kanilang kadalubhasaan sa mga tiyak na aspekto ng disiplina at gumabay sa mga delegado sa paglinang ng mga ito sa pamamagitan ng mga intensibong talakay, worksyap, pakitang-turo, bukas na pagbabahaginan at konsultasyon. Lalo pang payayamanin ang tatlong-araw na programa ng eksposisyon ng natatanging talento ng premyadong mga samahang pangkultura sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Ang bayad sa rehistrasyon ay PhP 2, 800.00 para sa tatlong (3) pananghalian at anim (6) na meryenda, lugar na pagdarausan ng gawain, seminar kit, honoraria ng mga tagapagsalita, mga sertipiko at iba pang kaugnay na gastos. Bukas ang pagpapatala hanggang sa unang araw ng pambansang seminar-worksyap bagamat makatitiyak ng slot ang maagang makapagpapasok ng kanilang mga pangalan.
Para sa karagdagang mga detalye, maaaring makipag-ugnayan kina Prop. Alvin Ringgo C. Reyes (09178621216), Prop. Zendel M. Taruc (09195667779) o G. Ronald Manalastas (7499779) o lumiham sa alvinringgoreyes@gmail.com. Umaasa po kami sa inyong paglahok!
More information here.