Dalumat Ejournal: Call for Papers (Philippines)

16 July 2010
Dalumat Ejournal: Call for Papers (Philippines)
Deadline: October 30, 2010

Graduate students, people in the academe, researchers, writers and scholars from the various disciplines in the Social Sciences, Humanities, Science and Philosophy are invited to submit scholarly papers to Dalumat E-journal.

Papers may be written in Filipino, English or any language in the country; should be double-spaced, computerized, and should not exceed 20 pages (including images).

Original call for papers:

PANAWAGAN SA MGA PAPEL
DEADLINE: OKTUBRE 30, 2010

Sundan ang link para sa kasalukuyang isyu ng Dalumat Ejournal http://ejournals.ph/

Inaanyayahan ang mga gradwadong estudyante, guro, risertser, manunulat at iskolar mula sa iba’t ibang disiplina ng Agham Panlipunan, Humanidades, Agham at Pilosopiya na magsumite ng kanilang iskolarling papel sa DALUMAT E-Journal.

Maaaring nasusulat sa Filipino, Ingles at mga wika sa bansa ang inyong papel na hindi hihigit sa 20 pahina (kasama na ang mga larawan, hanay, sanggunian) laktawan at kompyuterisado na may sukat na 8.5”x11” (letter-size).

Ilakip ang abstrak na may 200-300 salita at 5 susing termino sa unahan ng papel.

Huwag maglalagay ng anumang pangalan at iba pang impormasyon ng pagkakakilanlan sa isusumiteng papel. Ipadala ang inyong papel bilang attachment (microsoft office word) sa dalumatjournal@yahoo.com

Isulat ang inyong pangalan, email, cellphone at telephone number, profesyon, pinapasukang trabaho/institusyon, at tirahan sa email na ipapadala sa amin o sa isang hiwalay na papel.

DAKILANG LAYUNIN


Ang DALUMAT E-Journal ay naglalayong isulong ang iba’t ibang diskurso at kaalaman sa multidisiplinaryong larangan ng Araling Filipino bunga ng masigasig, makabuluhan, at makahulugang pananaliksik at pag-aaral sa Humanidades, Agham Panlipunan, Pilosopiya at Agham. Isa itong pambansang refereed e-journal na lumalabas tuwing Enero at Hunyo kada taon.

Magiging lunsaran ang E-journal para ihapag ng mga gradwadong mag-aaral, iskolar, manunulat, teorista at intelektuwal ang kanilang patuloy na pagtuklas, masinop na pakikilahok sa akademya at pananaliksik na nagmumula sa loob o labas ng bansa at nasusulat sa Filipino, Ingles at mga wika sa Pilipinas.

Itinayo ito ng mga gradwadong mag-aaral, iskolar at guro para sa hangaring makabuo at maipagpatuloy ang akademikong pag-unlad ng Araling Filipino.

More information here.
Related Opportunities:
Ranked: 500 highest-paying publications for freelance writers
The Freelance 500 Report (2015 Edition, 138 pages) profiles the highest-paying markets, ranked to help you decide which publication to query first. The info and links in this report are current. Details here.