Kwento-Lit 2011: Kwentong Bulilit, Ito ang Malupit! Writing Contest (Philippines)

28 June 2011
Kwento-Lit 2011: Kwentong Bulilit, Ito ang Malupit! Writing Contest (Philippines)
Deadline: 8 July 2011

The Layap of the University of the Philippines (UP) will hold the Kwento-Lit 2011: Kwentong Bulilit, Ito and Malupit! Writing Contest this August in celebration of Buwan ng Wika.

The contest aims to establish and promote the use of one's mother language in story writing by showcasing the individual and original works for children.

The contest is open to elementary pupils and secondary students nationwide.

The important dates in the contest are the following:

* June 14, 2011 - Official start of the contest
* July 8, 2011 - Deadline of submission of entries
* 1st week of August 2011 - Announcement of winners

Kwento-Lit 2011: Kwentong Bulilit, Ito ang Malupit

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa darating na Agosto, makikibahagi ang paglulunsad at pag-aangkop nito bilang Buwan ng mga Wika ng Pilipinas. Ito ay pagkilala at pagbibigay-halaga sa 170+ wikang sinasalita sa Pilipinas. Ilulunsad ng Layap ang Kwento- Lit 2011: Kwentong Bulilit, Ito ang Malupit!.

Ang Kwento-Lit 2011 ay timpalak sa pagsulat ng maikling kuwentong pambata na sasalamin sa kultura at karanasan ng sumulat gamit ang kanyang katutubong wika: (ang mga wikang ito ay maaaring Ilokano, Pangasinan, Kapampangan, Bikol, Samar-Leyte, Sugbuanong Binisaya, Hiligaynon, Meranao, Tausug, at maging Tagalog).

MGA PANLAHAT NA TUNTUNIN:

1. Bukas ang timpalak sa mga mag-aaral mula:
a. KATEGORYA A: sa elementarya (Ikalima hanggang Ikaanim na baitang)
b. KATEGORYA B: sa sekundarya (Unang taon- Ikaapat na taon)

2. Ang lahok ay kailangang orihinal, hindi pa naisasali sa ibang timpalak at hindi pa rin nailalathala.

3. Tanging ang pamagat lamang ng lahok ang dapat nakasaad sa lahat ng pahina. May hiwalay na pormularyo na kung saan kailangang ilagay ng kalahok ang kanilang pangalan, paaaralan at iba pang pagkakakilalan. Kailangang punan at isumite ng kalahok ang kalakip na registration form kasama ng lahok.

4. Ang lahok ay maaaring i-email, bilang attachment na Microsoft Word 2003 (.doc) sa lipadlayap@gmail.com. Para sa mga magpapadala gamit ang e-mail, ilagay bilang subject ng e-mail ang “Kwento-Lit_Pamagat ng Entry”. Halimbawa: Kwento-Lit: Ang Sinabawang Bato. Kailangang kasama sa ipadadala ang registration form. Maaari rin itong ipadala o dalhin nang personal sa tanggapan ng Layap:

LAYAP,
#120 Maginhawa St.,
Teachers’ Village, Quezon City

5. Magpapadala ang Layap ng notipikasyon sa pamamagitan ng e-mail sa bawat lahok na natanggap sa loob ng 24 oras pagkapadala.

6. Ang huling araw ng pagsusumite ng mga lahok ay sa Hulyo 8, 2011.

TUNTUNIN PARA SA PAGLIKHA NG MAIKLING KUWENTO:

1. Haba: Ang lahok ay may habang hindi kukulangin sa dalawang(2) pahina ngunit hindi hihigit sa apat (4) na pahina.

2. Ang lahok ay kailangang “typewritten” (Font 12- Arial), may 2 o dobleng espasyo sa bond paper na may sukat na 8 ½ x 11, at may palugit na 1 pulgada sa itaas, ibaba at sa magkabilang gilid. Dapat na may nakalagay rin sa itaas na kategoryang kinabibilangan ng lahok: (Kategorya A kung sa elementarya at B kung sa sekundarya).

PAGPILI SA NATATANGING LAHOK:

1. Ang batayan sa paghuhusga ay ayon sa sumusunod:
Kaayusan ng paglalahad 25%
Pag-ayon sa konseptong ibinigay 30%
Kahusayan sa paggamit ng wika 30%
Kasiningan 15%

KABUUAN 100%

2. Ang pasya ng inampalan ay pangwakas at di maipaghahabol.

GANTIMPALA

1. Mga gantimpala sa bawat kategorya ay gaya ng sumusunod:

Unang Gantimpala
Php 3,000.00 (Cash prize, Certificate and Gift Packs)

Pangalawang Gantimpala
Php 2,000.00 (Cash prize, Certificate and Gift Packs)

Pangatlong Gantimpala
Php 1,000.00 (Cash prize, Certificate and Gift Packs)

2. Ang mga kuwentong nagwagi ay malalathala nang may buong pagkilala sa may-akda sa Pambata Magazine sa August-September issue nito.

3. Ilalabas ang resulta ng mga nagwagi sa huling linggo ng Hulyo. Makatatanggap ng notipikasyon ang mga nanalong may-akda at kanilang paaralan sa kanilang pagkapanalo.

4. Ang premyo ng mga nanalong akda ay ipapadala sa mga nagwagi.

Mga mahahalagang petsa:
  • Hunyo 7, 2011 Opisyal na simula ng timpalak
  • Hulyo 8, 2011 Huling araw ng pagsumite ng mga lahok
  • Agosto 1, 2011 Pag-anunsyo ng mga nagwagi
For more information, contact Ms. Eishrine Amante at mobile phone no.: 0927-778-8809 or Ms. Mhawi Rosero at mobile phone no.: 0915-451-4426 or send a message through e-mail addresses: chhak_kai@hotmail.com and mhawi.rosero@gmail. com.

Contact Information:

For inquiries: chhak_kai@hotmail.com

For submissions: lipadlayap@gmail.com

Website: http://www.facebook.com/pages/Kwento-Lit-2011-Kwentong-Bulilit-Ito-ang-Malupit/229787597035210?
  • The Novo Nordisk $6,000 Hemophilia Journalism Contest (Lebanon)
    A Danish-sponsored journalism contest will promote an understanding of how hemophilia affects patients and families, offering $6,000 in prize money to the best…
  • New Book: 10 Malay Movies by Amir Muhammad
    120 MALAY MOVIES is a romp through the films that were made in Singapore and then in Kuala Lumpur from 1948 to 1972. (120 represents about a third of all…
  • English Teachers Wanted in Jiangsu, China ($880/Month)
    English Teachers Wanted in Jiangsu, China ($880/Month)Job title: English TeachersJob location: Jiansu, ChinaSeeking applicants from: USA, UK, Australia, Canada, New…
Related Opportunities:
Ranked: 500 highest-paying publications for freelance writers
The Freelance 500 Report (2015 Edition, 138 pages) profiles the highest-paying markets, ranked to help you decide which publication to query first. The info and links in this report are current. Details here.