Pambansang Summit sa Wika 2011

28 March 2011
Pambansang Summit sa Wika 2011
Dates: 29 - 30 April 2011

Ang Kolehiyo ng Sining at Komunikasyon, Unibersidad ng Pilipinas-Baguio (UPB) ay magdaraos ng Pmbansang Summit sa Wika 2011 na may temang "Pagkilala sa Lahat ng Wika ng Pilipinas: Tungo sa Pagsulong ng Lahing Pamana" na gaganapin sa Abril 29-30, 2011 sa UPB, Lungsod ng Baguio.


Ang mga layunin ng Summit ay ang mga sumusunod:

a. Gisingin ang kamalayan ng publiko sa pangangailangang pagkilala at pagpapalakas ng lahat ng wika ng Pilipinas;

b. Tayahin ang estado ng mga wika sa Pilipinas;

k. Talakayin ang mga paksang may kinalaman sa pagpapalakas ng wika sa iba't ibang larangan ng buhay;

d. Bigyan ng pagkakataon ang mga propesyonal, mga akademiko at mga interesadong indibidwal at mga grupo na magpahayag ng kanilang mga pag-aaral at kaalaman ukol sa mga paksang angkop sa tema; at

e. Bumuo ng network ng mga indibidwal, institusyon at mga samahan na magsusulong sa pag0unlad, paglaganap at pagpapalakas ng lahat ng wika sa Pilipinas tungo sa pagsulong ng Lahing Pamana.

Ang mga inaanyayahang dadalo ay mga tagahubog ng palisi sa wika, implementor ng palisi, administrador, guro, kritiko, manunulat, mag-aaral at iba pang may interes at malasakit sa kapakanan ng mga wika sa Pilipinas.

Ang butaw ng bawat kalahok ay isang libo at limang daang piso (Php1,500.00) para sa simpleng summit at sertipiko ng partisipasyon.

Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan kay G. Brian Lumague, College of Arts and Communications, UP-Baguio, Baguio City sa telefax blg. (074)444-8393; mobile phone no. 0915-7907-243 o e-mail address brian.lumague@gmail.com

More information here.
  • The LE100,000 Arab Novel Award
    Arab Novel AwardGo to websiteEmail Address: UndisclosedEditor/Founder: Ministry of Culture (Egypt)Country: Middle EastType: Writers' PrizeDescription: The 100,000LE…
  • Call for Submissions: Superstition Review
    Deadline: 31 March 2011We are now accepting submissions of art, fiction, poetry, and nonfiction for Issue 7 to be launched May 2011.GuidelinesSuperstition Review is…
  • Gyaana Books
    Gyaana BooksWebsite: http://www.gyaanabooks.comEmail Address: divya@gyaanabooks.comEditor/Consultant: Divya DubeyCountry: IndiaType: PressDescription: Gyaana Books…
Related Opportunities:
Ranked: 500 highest-paying publications for freelance writers
The Freelance 500 Report (2015 Edition, 138 pages) profiles the highest-paying markets, ranked to help you decide which publication to query first. The info and links in this report are current. Details here.