Call for contributions to Malay September 2010 issue
Malay, and internationally peer-reviewed multi/interdisciplinary journal of De La Salle University-Manila, is calling for essays/papers on language, culture, media. Submissions must be in Filipino. Translations from English are welcome. Manuscripts should be sent to Dr. Florentino Timbreza, Editor-in-Chief. Deadline is on June 15th.
Original texts:
Panawagan para sa Kontribusyon sa Malay
Isyu para sa Buwan ng Setyembre 2010, Tomo XXII, Blg. 1
Deadline: Ika-15 ng Hunyo
Tunguhin
Ang Malay, isang multi/interdisiplinaryong journal ng Pamantasang De La Salle (DLSU) – Maynila na international peer-reviewed ay naglalayong maglathala ng mga lathalain tungkol sa mga usapin at dalumat kaugnay ng wika, kultura, midya, at lipunang Pilipino na nagsusulong ng intelektwalisasyon ng wikang Filipino at pagpapaunlad sa Araling Filipino. Tumatanggap rin ng mga sulatin sa Ingles at iba pang mga wika na isasalin sa wikang Filipino. Tanging ang salin sa Filipino ang ilalathala.
Tema: Globalisasyon at Lipunang Pilipino
Mga Panukalang Paksa:
1. Diasporang Filipino
2. Kalagayan ng mga Migranteng Pilipino
3. Pamilyang Transnasyonal
4. Mga Pang-ekonomikong Polisiya
5. Representasyon ng mga Migrante sa Iba’t ibang Midya
6. Kahirapan at Migrasyon
7. Kultura at Kaakuhang Pilipino sa Panahon ng Globalisasyon
8. Panitikan/ Naratibo Ukol sa Globalisasyon
9. Terorismo
10. Pagbabago sa Klima
Detalye ng Paglilimbag
Nililimbag ang Malay makalawa isang taon sa ilalim ng pamamahala ng Academic Publications Office (APO), para sa Pamantasang De La Salle-Maynila. Bilang multi/interdisiplinaryong journal, nagtatampok ito ng mga papel, riserts, at artikulong naglalahad ng mga kaisipan at kaalaman mula sa iba’t ibang disiplina. Ang mga ideya, opinyon, at paninindigan ng mga may-akda ay kanilang pananagutan at hindi repleksyon ng mga pagkukuro at patakaran ng mga patnugot, ng kaguruan, o ng pangasiwaan ng Pamantasang ito.
Proseso ng Pagrerebyu
Ang mga lathalain ay nirerebyu ng mga miyembro ng Internasyonal na Lupon ng mga Patnugot at ng iba pang mga kilalang iskolar sa kani-kanilang disiplina. Mula rito, muling nirerebyu ng Punong Patnugot ang mga nakapasang lathalain mula sa mga naunang nagrebyu nito. Ang mga lathalaing nangangailangan ng medyor na rebisyon ay ibinabalik sa mga may-akda para sa mga kahingian ng mga rebyuwer. Ang mga may-akda ng mga papel na hindi matatanggap ay padadalhan ng liham na maglalaman ng mga puna at komento ng mga nagrebyu. May karapatan ang mga Patnugot na maging pag-aari ang kopya ng lahat ng papel na ipinasa.
Detalye ng Pagsusumite
Ang mga papel (riserts, artikulo, rebyu) ay kailangang nakasulat sa Filipino. Sakaling nasa ibang wika, isasalin ito sa Filipino at tanging ang salin ang ilalathala. Kailangang hindi pa nailalathala o naisumite para sa konsiderasyon sa ibang publikasyon o journal. Isang 200-250 salitang abstrak at limang susing salita, kapwa nasa wikang Filipino at Ingles, ang hinihiling na kalakip sa papel na may 5,000 hanggang 7,000 salita (20-40 pahina). Hindi na kailangan ang abstrak sa rebyu na may maximum na 3,000 salita. Ang titulo ng lathalain ay dapat na mayroong salin sa wikang Ingles.
Ang papel ay kailangang kompyuterisado sa maikling bond paper na may isang pulgadang palugit sa lahat ng gilid, doble-espasyo, gamit ang font na Times New Roman at may laking 12-puntos, at maayos na naidokumento gamit ang MLA Seventh Edition.
Kailangang minimal ang mga dulong tala. Kung sakaling may larawan o ilustrasyong bahagi ng submisyon, ang file ay kailangang nasa format na jpeg. Hinihiling ang malinaw na kopya. Kailangan ding may kapsyon at karampatang pagkilala sa pinaghiraman o may-ari/maylikha ng larawan/ilustrasyon.
Ang pangalan ng awtor, tirahan, email, at iba pang mahahalagang kontak ay kailangang nakasulat sa hiwalay na papel. Anumang pagkakilanlan sa identidad ng awtor ay kailangang wala sa manuskrito. Tatlong kopya ng papel ang kailangang isumite (kasama ang soft copy sa diskette o cd). Ang isang kopya ay sa patnugutan habang ang dalawa ay ibibigay naman sa mga referee. Tinatanggap din ang mga submisyon sa pamamagitan ng email sa malayjournal@gmail.com.
Ang dedlayn ng pagpapadala para sa isyu ng Malay sa Setyembre ay sa ika-15 ng Hunyo. Ipadala ang manuskrito at lahat ng kailangan kay Dr. Florentino Timbreza, Punong Patnugot; o kay Mr. Rowell Madula, Tagapamahalang Patnugot, sa:
Academic Pulications Office, Yuchengco Hall, Room 601, Pamantasang De La Salle – Maynila, 2401 Taft Avenue, Maynila.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring tumawag sa (632) 524-4611 loc 328 at hanapin si Ms. Joanne T. Castanares.
More information here.